Mula Adbiyento hanggang sa Kapistahan ng Santo Niño, palalimin ang iyong pananampalataya. Tuklasin sa mga pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo ang Diyos na laging kasama natin. Sa mga pagninilay na nakaugat sa Salita ng Diyos, inaanyayahan tayo ni Bishop Broderick Pabillo na muling kilalanin ang Diyos na dumarating, nananahan, at patuloy na kumikilos sa ating buhay. Sa gitna ng paghihintay, pag-asa, kagalakan, mga hamon, at karaniwang karanasan sa araw-araw, ipinapaalala ng aklat na ito na
hindi tayo naglalakbay nang nag-iisa. Ang Diyos na dumating sa atin kay Hesus—ang Emmanuel, ang “Diyos na kasama natin”—ay siya ring Diyos na patuloy na kalakbay natin.















