Abala ang lahat para sa Pasko! Pero malungkot at ayaw magsimba nila Lulu at Beth. Ano ang gagawin ni Isay at Aling Tess para makumbinsi silang sumama sa pagdiriwang? Tunghayan ang kanilang kuwento at ang tunay na diwa ng Pasko.
Inilalarawan sa kwentong ito di lamang ang tunay na dahilan ng pagdiriwang ng Pasko kundi pati ang mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino sa panahong ito. Ito ay hango sa orihinal na tula ng may akda na may kaparehong titulo. Ito ay base rin sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng may akda noong siya ay bata pa.